Philippines Report

‘Fixed’ na sahod para sa mga bus driver, konduktor sisimulan sa Marso 9

bus driver

Ipatutupad na ang “fixed rate” na sahod para sa mga bus driver at konduktor simula Marso 9, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, Martes. 

Pinaboran ng Korte Suprema noong nakaraang taon ang utos ng labor department at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na gawing “part-fixed-part-performance-based” ang pagpapasahod sa mga driver at konduktor ng bus. 

Sa ilalim ng kautusan, makakatanggap ang bus drivers ng mga benepisyong tinatamasa ng regular employees tulad ng retirement package at PhilHealth at social security coverage, ani Bello. 

Maaari aniyang makansela ang prangkisa ng mga operator na lalabag dito. 

“They (operators) should welcome this dahil they have to consider na iyung kanilang driver, konduktor, minsan nagkakaroon ng aksidente dahil kadalasan iyung ating mga driver kung ano-anong ginagawa para magkaroon ng maraming pasahero para lalaki ang kanilang komisyon. Delikado ho iyun,” sabi niya sa panayam ng DZMM. 

Hinimok naman ni Provincial Bus Operations Association president Alex Yague si Bello na pulungin ang mga operator, driver at konduktor upang linawin ang guidelines ng fixed rate na pasahod. 

Source: ABS CBN

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x