Ginang tiklo sa adult diaper

Ginang tiklo sa adult diaper

NABUKO ng pulisya ang pagbebenta ng shabu ng isang ginang nang madiskubreng itinago nito ang epektus sa kanyang suot na adult diaper sa Maguindanao nitong nakaraang Huwebes ng gabi.

Ginang tiklo sa adult diaper

Sinabi ni Senior Inspector Reggie Abellera, ang police chief ng Datu Anggal Midtimbang town, na ang suspek na si Meriam Talusan ay nakumpiskahan ng 150 grams ng shabu na may street value na P500,000 sa isang checkpoint.

Ayon kay Abellera, bago ang pagdakip sa suspek, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon na ang suspek ay nagdadala ng illegal drugs sa Barangay Talitay.

Sa pamamagitan ng text messages sa mobile phone ni Talusan, naaresto rin anya si Tarhata Alon, 30, na tatanggap ng shabu.

Si Alon ay nadampot sa Barangay Kamasi sa Ampatuan town, sa Maguindanao rin habang naghihintay kay Talusan. BOBBY TICZON 

 

Remate


Posted

in

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *