Philippines Report

GMA Soap ng ‘AlDub’ Hindi Na Matutupad

Balik trabaho at busy na naman ang schedules si Alden Richards. Last week pa nakabakasyon ang ka-loveteam na si Maine Mendoza, siya ang kasama nina Jose Manalo at Wally Bayola sa barangay sa sugod-bahay nila sa “Juan For All All For Juan” segment ng “Eat Bulaga” at segment na iyon sa kalye serye na doon na rin nila ginagawa sa barangay.

Bukod kasi sa daily EB, binigyan din si Alden Richards ng isang character sa epic na “Encantadia” bilang si Lakan mula sa lahi ng Mulawin. Nangungulit na ang AlDub Nation kung sino raw si Lakan pero kahit si Alden, hindi pa raw niya pwedeng sabihin kung ano ang kanyang role, basta magiging tagapagtanggol daw siya ng mga diwata at mga Sang’gre ng Encantadia.

Alden Richards

Sa first taping day niya na-excite siya dahil hindi niya in-expect na makakasama siya rito, unang sabak niya fight scene agad ang ginawa niya, mabuti na raw lamang at napaghandaan na rin niya iyon nang sabihing papasok siya sa epic serye, nakapag-workout muna siya.

Hindi pa sinasabi ni Direk Mark Reyes kung kailan lalabas si Lakan at kung hanggang kailan siya mapapanood, ayon sa kanya, depende raw iyon sa maibibigay na schedule ni Alden dahil alam nilang busy rin ang actor sa iba pa niyang work. Tulad noong Sunday, August 28, after ng kanilang comedy show na “Sunday PinaSaya (SPS)” may flight si Alden to Cebu para mag-guest sa concert ni Stephanie sa Waterfront Hotel. After his part balik na rin siya ng Manila, dahil may “Eat Bulaga” na siya kinabukasan, Monday.

Magsusunud-sunod na rin ang shows abroad ni Alden, at for the first time, pupunta siya ng London for a show on October 2. May shows din siya sa New York City at sa Canada by November. Paano pa kaya ang soap at movie nila ni Maine Mendoza na ipinangako ng GMA?

Malungkot na ang cast ng romantic-sexy serye na “Juan Happy Love Story” dahil finale week na nila ngayon. Mami-miss nina Dennis Trillo at Heart Evangelista ang kanilang mga roles na ngayon lamang nila nagampanan.

Comedy kasi ang genre ng serye at malayo sa mga drama series na dati nilang ginagawa. At biruan nga nila, mas maraming kissing scenes ang ginawa nila rito dahil mag-asawa sila, na hindi nila nagawa sa mga previous teleserye na ginawa nila.

Kahit si Joross Gamboa, malungkot din siya dahil naiiba rin ang role niya, isang mayamang at mayabang na best friend ni Heart, pero deep within, mahal niya si Heart at gagawin niya ang lahat para matulungan ito at maging maligaya sa piling ng mga mahal nito sa buhay.

Si Kim Domingo man na kilalang pantasya ng bayan, napasabak daw siya sa aktingan at nagpasalamat siya kay Direk LA Madridejos na nabigyan siya ng chance na ipakita niyang kaya niyang umarte at hindi basta magpaseksi lamang.

May magandang sorpresa sa televiewers ang serye dahil may special participation si Carla Abellana. Abangan kung ano ang role na gagampanan niya.

Source: remate.ph

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x