Philippines Report

Grab Driver Ibinahagi Ang Nakakatakot Na Karanasan Kasama Ang ‘Anim’ Na Pasahero

Grab Driver

Siguro, marami na tayong naririnig o nababasa ng mga kakatakutan na kwento tungkol sa isang driver na nakasalubong ng multo o di naman nakapagsakay ng multo. Katulad na lamang ng kwentong ibinahagi ng isang Grab Driver.

Kamakailan lamang, isang Grab Driver na si Louie Simbria Reyes ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account ng kaniyang karanasan habang hinahatid niya ang kaniyang pasahero.

Kwento ni Reyes, sumundo siya ng anim na pasahero sa BGC Taguig ng nasa 11:44 ng gabi upang ihatid ito sa ADMU – University Dormitory sa Katipunan.

Saad nito, na maayos naman niyang naihatid ang mga pasahero hanggang sila ay makarating na sila sa dormitory na kaniyang paghahatidan sa mga ito.

Ngunit, habang daw pababa na ang kaniyang mga pasahero at binilang niya ito kung saan sila ay lima na lang at dito na daw siya nagsimulang matakot at nagtataasan na din ang kaniyang mga balahibo.

Habang binabaybay na ni Reyes ang papunta ng guard house, bigla niyang nakita na mayroon pa siyang kasama sa kaniyang Grab ngunit wala itong mukha, mabilis daw niya minaneho ang kaniyang Grab at nagbusina ng madaming beses.

Saad ng Grab Drive, nang malapit na siya sa sa exit, kinausap siya ng Guard at tinanong bakit siya nagbubusina, kung saan sinagot niya ito na mayroong sumasama sa kaniya habang siya ay palabas na.

Ngunit ang mas nakakilabot sa kaniya ay ang malaman sa guard na bago daw pala maging dormitoryo ang lugar ay dati itong naging sementeryo.

Matapos noon, tinanong niya daw ang guard kung ilan ang nakalog-in ang sagot lang ng guard ay anim at kasama na siya doon.

Dahil sa kaniyang karanasan, saad ni Reyes na kahit kailan ayaw na niyang bumalik sa naturang lugar.

Narito ang kabuuang salaysay ni Reyes,

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x