Philippines Report

Grade 11 student in Naga City studying on a bridge

Grade 11 student studying on a bridge

Maganda ang naging resulta ng pagiging viral ng mga larawan ng isang Grade 11 student na nag-aaral sa ilalim ng ilaw ng poste sa kalaliman ng gabi sa Naga City, Camarines Sur.

Ang mga larawan ay ipinost sa Facebook ng guro na si Essel Bermundo June 2, 2021. 

Humanga si Bermundo sa dedikasyon ng estudyante sa kanyang pag-aaral.

Ang lugar ay malapit sa kinaroroonan ng Naga River.

Inaasikaso ng estudyante ang kanyang modules na naiilawan ng light post.

Maghahating-gabi na raw nang mapansin ni Bermundo ang estudyante na kinilalang si Carla Radores, 20, estudyante sa Camarines Sur National High School.

Caption ni Bermundo sa mga larawan: “Yesterday @11:52pm. Saw this girl doing her modules while using free wifi from the hotel nearby the Naga River. Kudos, gurl! Keep striving!”

Ang post na ito ni Bermundo tungkol sa isang estudyante ay nakatawag pansin at sunud-sunod itong naitampok sa regional media, gayon din sa main news outlets.

In-update ni Bermundo ang kanyang post para ibahagi na nakuha rin ang atensiyon ng local government unit nila at ginagawan na ito ng paraan.

Ito ang update ni Bermundo (published as is): “As of today, many Local and National media stations had featured this photo of mine and yes, this is an eye-opener to everyone that this situation does exist. I am honored that through my post our Kabataan’s voices were heard.

“I gladly announce that our Local Government of the City of Naga through the help of Mayor Nelson Legacion and Sir Ruel Oliver will offer the installation of FREE PUBLIC WIFI on Barangay Peñafrancia and will also include the 27 Barangays in Naga City.”

(L-R The student Carla Radores, Mayor Nelson Legacion, and the teacher Essel Bermundo). 

Noong June 3, 2021 rin ay nakapanayam si Bermundo sa regional radio station na 105.5 Idol FM Naga.

Nagkuwento siya rito tungkol sa mga kuha niyang naging viral.

Si Bermundo ay isang professional teacher na nagtapos ng Bachelor in Physical Education, Major in Sports and Wellness mula sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology.

Sinabi rin ni Bermundo na hindi lamang si Carla ang nag-iisang estudyante sa puwesto noong mga oras na iyon.

Dahil sa kawalan ng Internet, may iba pa raw estudyante na may kanya-kanyang puwesto malapit sa lugar para makasagap din ng Wi-Fi.

Kuwento ng guro, “May mga student po doon na iba-iba ang ginagawa pero iba-iba lang po sila ng spot kasi hinahanap nila iyong lugar na may malakas na sagap, kasi kung magdidikit-dikit po sila mas mahina iyong nasasagap nilang signal, kaya watak-watak po sila.”

Sabi pa ni Bermundo sa estudyanteng si Carla, “Nagpapakita po ito ng hope para sa mga kabataan, na kahit hindi nabiyayaan ng sapat na resources pero iyong willingness niya na matapos ang module niya sa kabila ng kakulangan ng resources pinagtiyagaan niya pa rin po.”

Kaya’t panawagan ni Bermundo, tulungan ang mga estudyante.

Nakaabot ito sa alkalde na si Mayor Legacion kaya’t inasikaso nito ang paglalagay ng Wi-Fi hindi lang sa Sagrada Familia, pati na rin sa 27 barangay sa Naga.

May mga update din si Bermundo, gaya ng pag-aabot ng tulong ng Sangguniang Kabataan sa Peñafrancia ng mga desk at school supplies para sa mga estudyante.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x