Philippines Report

Honda, Nokia, Nissan, Wells Fargo aalis sa ‘Pinas

Nanganganib ang hanapbuhay ng ilang libong Pilipino matapos ideklara ng ilang malalaking kompanya na lilisan na ang mga ito sa bansa.

Nasa 700 tauhan ang mawawalan ng trabaho gayong magsasara sa ang Nokia Technology Center Philippines sa Quezon City sa third quarter ng taong 2020.

Sabi ng Nokia, sa isang ulat, na humihigpit ang kumpetisyon at lumalaki ang kanilang gastos, kaya kailangan na nilang magbawas ng mga research and development office para mapanatili ang kanilang operasyon.

Samantala, matatanggal sa trabaho ang 700 outsourced tech jobs sa US-based bank Wells Fargo & Co. Ayon sa isang ulat nitong Biyernes, Pebrero 21, nasa 50 tech worker na lang ang ititira sa pagtatapos ng taon dahil sa downsizing ng kompanya.

Nanganganib namang isara ang planta ng Nissan Philippines sa Sta. Rosa, Laguna kasunod ng 28% loss sa taunang kita nito, at pagbaba nang 6% sa global sales ng kompanya. May epekto sa kanilang “rock bottom” ang pagpapatalsik sa kompanya ng dating Nissan Chairman Carlos Ghosn.

Sinabi rin sa isang ulat na balak ng Nissan na magbawas ng kabuuang 12,500 empleyado nila sa Pilipinas, Indonesia, at Taiwan.

Una nang naiulat na 650 katao ang mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng planta ng Honda Cars Philippines Inc. sa Laguna.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x