Philippines Report

Honeylet pumalag sa pagdawit kay Kitty sa video ng umano’y totoong narco-list

Honeyley

Umalma si Honeylet Avanceña, ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang idawit pati ang kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte sa isyu ng illegal na droga.

Sa ikalawang video ng nagpakilalang “Bikoy”, isinama nito ang pangalan ni Avanceña at anak na si Kitty sa illegal drug trade.

Ayon kay Avanceña, hindi siya walanghiyang ina para gamitin ang pangalan ng anak.

“Napakawalanghiya ko naman na nanay kung ipangalan ko sa anak ko,” ang text message ni Avanceña.

Sa ikalawang video, inakusahan ng nagpakilalang Bikoy ang mag-inang Honeylet at Kitty na tumatanggap ng payoffs mula sa illegal drug trade at idinedeposito umano ito sa HongKong.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na ang oposisyon at si Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng video dahil hanggang ngayon ay gigil na gigil pa rin ito sa kanya.

Hindi na lang aniya nito papatulan ang senador kasabay ang pagtiyak na hindi sila sangkot sa ilegal na droga.

“Hinahayaan ko na lang yang si Trillanes because that has become his passion. Di ako pumapatol sa bakla. That is is a propaganda, that is being repeated all the time. Alam ko propaganda na yan, I was told.I assure you we are not into it,”anang Pangulo.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x