Ang United Arab Emirates at ang Qatar ang kinakikitaan ng pag-arangkada ng kanilang ekonomiya sa susunod na apat na taon.
Ayon sa Alpen Capital, ang hospitality markets ng Ang United Arab Emirates at Qatar ay inaasahang lalago na pinaka mabilis sa Gulf region sa susunod na apat na taon dahil sa development na may kaugnayan sa turismo.
Ayon sa ulat ng Gulf News, and forecast ng investment banking advisory firm, ay mahigit 10 % kada taon hanggang 2020 para sa hospitality sectors ng dalawang bansa.
Ang ibang mga bansa sa GCC (Gulf Cooperation Council) ay inaasahan naman na magtatala rin ng paglago ng mula 5 hanggang 6 per cent, na mababa sa regional average, base sa GCC Hospitality Industry report na ipinalabas noong Martes.
Sinabi ng Alpen Capital na ang hospitality revenues ng UAE at Qatar ay nakikitang aabot sa $ 9.8 billion at $ 1.6 billion, ayon sa pagkakasunod, sa 2020.
Ang UAE, na may daan-libong mga expats mula sa iba’t-ibang bansa kabilang na ang Pilipinas, ay naghahanda para sa pagho-host nito ng Expo 2020, isang trade fair na tumatagal ng anim na buwan. Inaasahan ito na maka-attract na may 25 million visitors. Gagawin ito sa Dubai, na isa pinaka-progresibong syudad sa UAE.
Magho-host naman ang Qatar ng World Cup sa 2022.
Target ng Dubai na maka-attract ng may 20 million visitors kada taon hanggang sa mag-host na to ng expo.
Leave a Reply