Herman Bin Manggak

Isa pang kidnap victim pinakawalan na ng MNLF

Isa pang Indonesian kidnap victim Herman Bin Manggak ang ipinasa ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Moro National Liberation Front (MNLF) kaninang umaga ayon sa ulat ng spokesman ng Armed Forces Western Mindanao Command (WestMinCom).

Sa isang pahayag, kinilala ni Maj. Filemon Tan ang pinalayang biktima na si Herman Bin Manggak, na dinala sa Joint Task Force Sulu alas-11 a.m.

Herman Bin Manggak

Dinala naman agad ang biktima sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital para sa kaukulang medical examination at debriefing bago i-turn over sa awtoridad.

Sinabi ni Tan na ang biktima ay dinukot ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Sandakan, Sabah noong Agosto 3.

Matatandaan na ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang palayain din sa MNLF ang tatlong Indonesian national na sina Lorens Koten, 34; Thedorus Kopong, 42; at Emanuel Arakain, 46.

Ang paglaya ng tatlong Indonesian nationals ay halos kasunod lamang ng pagpapalaya kay Norwegian hostage Kjartan Sekkingstad.

Source: Remate


Posted

in

, ,

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *