Philippines Report

Kapa Ministry payagan munang mag-operate para mabayaran mga miyembro – Trillanes

KAPA Ministry

Inihayag ni Senador Antonio Trillanes IV na dapat payagan ng gobyerno na mag-operate pansamantala ang Kapa Ministry International Inc., para maibalik ng mga ito ang nakolekta nilang pera sa mga miyembro.

“Para sa gobyerno, habang iniimbestigahan nila kung anuman ang violation, payagan ang Kapa na mag-operate temporarily, at least 30 days, para mabigyan ito ng pagkakataong isauli ang mga naiiwang pera na hawak nila para sa kanilang miyembro,” sabi ni Trillanes.

“Gayundin, sa lalong madaling panahon, gumawa ang gobyerno ng inventory ng mga nakuha nilang pera or property mula sa Kapa at gumawa ng distribution plan para sa pag-distribute nito sa mga miyembro ng Kapa,” dagdag pa ng senador.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang pagpapasara sa Surigao del Sur-based religious corporation dahil sa investment scam.


Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x