Philippines Report

KAPA OFFICIALS, NO SHOW SA PRELIM PROBE NG DOJ

KAPA OFFICIALS, NO SHOW SA PRELIM PROBE NG DOJ

Hindi sinipot ng mga opisyal ng Kapa Community Ministry International Incorporated ang preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay sa umano'y investment scam.

Wala ring abogadong kumatawan sa mga opisyal ng KAPA sa unang pagdinig ng DOJ hinggil sa kasong paglabag sa securities law na inakusa ng Securities and Exchange Commission.

Kabilang sa mga respondents na no show sa pagdinig ay si KAPA Founder Joel Apolinario sa kabila ng notification mula sa prosekusyon.

Tanging ang SEC witnesses na sina Lester Bautista at Bryant Chang ang present sa pagdinig kung saan pinanumpaan nila ang kanilang affidavits sa isang prosecutor.

Itinakda sa July 15 ang susunod na pagdinig ng DOJ at inaasahang pagdedesisyunan na kung kakasuhan sa korte ang mga opisyal ng KAPA.

Mababatid na inakusahan ng SEC ang KAPA officers ng paglabag sa Securities Regulation Code matapos engganyuhin ang publiko na mag-donate ng hindi bababa sa 10,000 pesos kapalit ng 30 percent na monthly blessing o love gift nang walang anumang gagawin kundi mag-invest at maghintay ng biyaya.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x