Philippines Report

Kelot, tustado sa electric pump

tustado sa electric pump – Patay ang isang 55-anyos na lalaki matapos makuryente habang nag-aayos ng electric pump sa loob ng gas plant sa Brgy. Magnuang, Batac City sa nasabing lalawigan kahapon, August 22.

Kinilala ng Batac City Police Station (BCPS) ang biktimang si Silverio Bagarinao, taga-Bohol at officer-in-charge ng isang gas plat sa Batac City.

Sa imbestigasyon, sinabi ng BCPS na si Bagarinao at isa sa kanyang co-worker ay nag-aayos ng electric pump na nasa sa labas ng concrete fence ng gas plant nang mangyari ang insidente.

Ayon sa kanyang kasamahan, narinig niya ang biktimang nagsisigaw matapos niyang i-switch on ang nasabing water pump at nang kanyang tingnan ay nakahandusay na si Bagarinao.

Itinakbo ang biktima sa ospital ngunit binawian na rin ito ng buhay.

Nagbabala ang mga awtoridad na magsuot ng safety gear bago mag-ayos ng elektrisidad upang maiwasan ang anomang insidente lalo na’t tag-ulan.

 

Remate

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response