Philippines Report

Labis na pag-post sa Facebook, maaring ikairita ng ibang tao

Facebook

Malaking bahagi man ng buhay ng mga Pilipino ang social media batay na rin sa malaking oras na iginugugol dito araw-araw, maaari umanong kainisan ng ibang tao ang labis na pagpo-post sa mga ito, gaya sa Facebook.

Ayon kay Sol Parreño, isang ginang na mahilig sa social media,

“Minsan kahit matutulog na lang ako, magpo-post pa ako. Paggising sa umaga, bubuksan ko agad yung Facebook ko kasi excited na akong mabasa yung mga notification.” 

Lalo pa raw niyang naiisipang mag-post sa tuwing walang masyadong nagla-like o comment sa kaniyang mga post. “Siguro hindi nagustuhan yung post ko, kaya mag-po-post ako ng mas maganda na naman.” 

“Spread the good vibes” lang umano ang intensiyon ni Sol, ngunit hindi niya raw ipagtataka kung mayroong mga maiirita sa madalas niyang pagpo-post sa social media. Aniya,

“Feeling ko nakakairita rin kaya lang wala silang magawa kasi kaligayahan ko ito tsaka dito ako masaya eh.” Paano ma-control Mayroong mga social media users ang wala naman daw problema sa pagpo-post ng iba, ngunit hindi na raw kaaya-aya kung bawat kibo ay ipo-post sa social media. 

Ayon kay Cristina Rosello, isang psychologist, likas na raw sa mga Pilipino ang pagiging sociable kaya hindi kataka-taka na lagi nating gustong makibalita sa mga kakilala. Dahil dito, maaaring hindi natin mamalayan ang epekto sa ibang users. 

“May tinatawag sa psychology na syntonic. Syntonic simply means that you're not aware of it, that you're doing it, that you're irritating… In a way, you sort of abuse the time of people. Ang kaya lang ng perceptual field of anybody na tumitingin sa isang set of stimuli is seven elements,” paliwanag ni Rosello. 

Gayunpaman, hindi rin isinasantabi ng psychologist na maaaring therapy na sa iba ang paggamit ng social media.  “Nagre-release ka lang for that day na galit ka so nakakatulong sa'yo, pero yung sustained change o talagang authentic healing, authentic confrontation of issues, hindi naman nangyayari yun sa social media.”  

Dagdag pa ni Rosello, nasa sa atin na umano kung saan ang sobra na at kung paano mako-control ang paggamit natin ng social media. Huwag lang raw sanang umabot sa panahong likes at comments na ang pinakamahalagang bahagi ng mga pang-araw-araw nating gawain.

Nawawala raw ang pagiging natural ng ating mga galaw dahil dito. Tunay ngang napaglalapit-lapit ng social media ang mga magkakaibigan at mga pamilyang malayo sa isa't isa, ngunit wala pa ring katumbas ang aktwal na interaksyon sa pagitan ng mga tao. 

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x