Philippines Report

Lalaki, arestado matapos mag-post ng litratong may hawak na granada at may pagbabanta sa kanyang My Day

litratong may hawak na granada

Arestado ang isang lalaki sa Pateros matapos mag-post ng litrato na may hawak siyang granada at may pagbabanta, ayon sa ulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kinilala ang naaresto na si Eddie Boy Cervales, 35 anyos. Ayon sa Pateros Police, nag-post si Cervales sa Facebook Story ng litrato niyang may hawak na granada at may mensaheng, “Pag ako naburyo hahagis koto damay damay nato.”

Sa tulong ng intelligence unit ng Pateros Police ay natunton si Cervales sa Purok 12.Anang suspek, selos ang ugat ng kaniyang post matapos niyang mahuling may ibanga ka-chat ang kaniyang karelasyon.

Nabawi kay Cervales ang granada na ayon sa kaniya ay pinapabenta lang sa kaniya.

May be an image of 1 person

Ayon sa pulisya, puwede pang sumabog ang granada bagama’t luma na ito.

Pinagsisisihan naman ni Cervales ang ginawa at inaming nakainom siya nang mag-post. Nahaharap siya ngayon sa reklamong illegal possession of explosives. 

Source: GMA

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x