Philippines Report

Lalaki sabay na ikinasal sa dalawang dalaga

lalaki kinasal sa dalawang dalaga

NORTH COTABATO, Philippines – Sabay na ikinasal ang dalawang babae sa 22-anyos na lalaki sa Barangay Sampao sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang dalawang babae na pinakasalan ni Razul Timbukong na sina Jarah Mendoza Labangin, 20; at Thelma Guipal, 24.

Dahil dito, nagmistulang “Torn between two lovers” ang naging sitwasyon ni Razul matapos na papiliin kung sino ang papakasalan nito bago ang ginawang kasalan sa tatlo.

Naging magkasintahan sina Jarah at Razul hanggang sa nagdesisyon ang dalawa na magpakasal. Gayunman, hindi inaasahang lumantad si Thelma kung saan sinabing pina­ngakuan din ito ng kasal ni Timbukong.

Dahil sa nasabing pangyayari, nagdesisyon na ipakasal ang lalaki sa dalawang babae.

Dagdag pa ng kapatid ni Jarah na una ay tutol ang mga magulang nila na magpakasal ang tatlo subalit wala na itong magagawa dahil malaki ang nagastos ni Razul sa pamamanhikan.

Samantala, hindi na rin makaatras si Razul na magpakasal kay Thelma dahil pagmumultahin din ang lalaki ng P120,000. Ikinasal ang tatlo sa Muslim wedding sa bayan ng Sampao Lutayan,

Sultan Kudarat. Tumira ang tatlo sa isang bahay subalit ang isa sa kanila ay nag-abroad na.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x