Philippines Report

Liberian national timbog sa ‘online love scam’ biktima teacher

Liberian National

Inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Liberian national na sangkot sa ‘online love scam’ o ang pambibiktima ng mga babaeng naghahanap ng boyfriend na hinihingan ng pera sa isinagawang entrapment operation sa isang shopping mall sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspect na si Junior Kwiagaye, alyas Clayton Eaton Stafford.

Ayon sa ulat bandang alas-9:30 ng gabi nang masakote ng PNP-CIDG operatives sa entrapment operation ang suspect sa isang mall sa Makati matapos na magreklamo ang biktimang guro sa pampublikong paaralan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Inaresto ang suspect sa aktong tinatanggap ang P1.5 milyon mula sa biktima na binobola nito na investment umano para sa kanilang love affair.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nakikipagkaibigan muna ang suspect sa social media partikular na sa facebook at kapag nakuha na ang loob ng potensyal na biktima ay saka naman ito hihingan ng pera para umano sa kanilang kinabukasan.

Ang suspect ay gu­magamit rin ng ibang pangalan at poging larawan sa kaniyang profile upang makaakit ng mabibiktima.

Nagduda naman ang ginang kaya dumulog sa PNP-CIDG at isinagawa ang entrapment operation laban sa suspect.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x