Ang dami ng kabataang nalulong sa gadgets at hindi na marunong magpunta sa library kaya isinusulong ng isang kongresista na si Alfred Vargas ang paglalagay ng library sa bawat munisipalidad sa buong bansa.
Ipinanukala ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang House Bill No. 3502 upang maisulong aniya ang pagkakaroon ng access sa sapat na impormason ng mga Pilipino lalo na iyong mga nasa malalayong lalawigan.
Magsisilbi rin aniya itong behikulo upang maingatan at manatili ang kulturang Pilipino.
“If properly supported, public libraries provide the people with access to resources which can help them improve their intellectual, economic, and social well-being.”
Binibigyan ng mandato ang mga LGU sa buong bansa na maglaga ng library o silid-aklatan sa kani-kanilang munisipyo na ma tatlong personal at isang head librarian at dalawang assistants.
Kailangan ding masiguro na may internet ang lahat ng itataong library.
“Through this initiative, we are closing the gap between the citizens – the children, the youth, the vulnerable and marginalized, the entrepreneur, or the scientist – and their access to information, thereby empowering people to expand their knowledge, meet their information needs, and unleash their full potential,” dagdag pa ni Vargas.
Source: Remate
Leave a Reply