Philippines Report

Libreng WiFi sa buong bansa, ilalatag na

MAGSISIMULA na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglatag ng libreng wifi sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations sinabi ni DICT Usec. Jorge Sarmiento na may P1.7-bilyon ang nakapaloob sa panukalang badyet ng kagawaran para sa pagkakabit ng libreng broadband access.

Ang nabanggit na badyet aniya’y para sa may 1,634 na munisipalidad at lungsod sa buong bansa.

Bilang bagong kagawaran, ang DICT ay may alokasyon na P2.9-bilyon para sa susunod na taon.

Iniulat pa ni Sarmiento na meron ng 69 na line project sites sa Luzon, Visayas at Mindanao kasama dito ang Cebu, Batangas, Davao del Sur, Zamboanga del Sur at ilang lugar sa NCR at madaragdagan pa aniya ito ng 62 sites bago matapos ang 2016.

Isinulong naman ng National Telecommunications Commission (NTC) na upang maiayos ang signal ng internet ay kailangan umanong amyendahan ng Kongreso ang multa sa mga telecommunication companies mula P200 sa P1-milyon kada araw.

“We really need the help of Congress here [in amending the law on penalties] because when we asked NEDA (National Economic Development Authority), this P200 a day in 1936 is equivalent to P1,000,076 million in present day. If the penalty is this huge, we’re sure that the telecommunication companies will step up,” ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

 

Remate

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x