Philippines Report

Lolo na nagtitinda ng saging, binayaran ng pekeng P1,000

niloko si lolo

Isang Lolo ang nag-viral ngayong Linggo sa social media matapos maloko ng kanyang costumer dahil pekeng P1,000 pala ang binayad.

Nglalako ng saging ang isang lolo kasama ng kanyang asawa sa tabi ng daan, kung saan naging biktima sila ng panloloko dahil pekeng pera ang binayad.

Nangyari ito sa may The New Market place sa Minglanilla, Cebu. Na kaagad na ibinahagi ng isang concerned citizen na si An Ge Lie sa social media bilang babala at patulungan ang dalawang matanda.

Maraming naawa sa kalagayan nila dahil kahit matanda na umano ay hindi pa pinalagpas ng mga manloloko.

Umabot na sa mahigit 52 thousand ang nagbahagi ng post at nasa 25 thousand na ang nag-react.

Ayon kay An Ge Lie, binilhan si Lolo ng saging na nagkakahalaga ng P100 ng suspek at P1,000 ang binayad nito. Nang masuklian na umano ng P900 ang manloloko ay agad na umalis ito at iniwan pa ang biniling saging.

Galit na glait ang mga netizens dahil sa walang kahiyaang ginawa nito sa mga matanda na naghahanapbuhay lamang.

Panalangin ng lahat ay makarma na lang ang gumawa nito sa matatanda at sana’y maraming mabubuting tao ang tumulong sa kanila.

Sa Facebook live ni An Ge Lie, ibinalita niya sa lahat ang good news kung saan marami ng netizens ang nagpadala bilang tulong kay Lolo. Makikitang iniabot na niya sa matanda ang tulong ng ilan nating kababayan na nagpadala ng pera.

Laking pasasalamat niya at ng mga netizens dahil umaapaw na ang biyaya at napalitan ang nawalang kitani Lolo.


Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x