Philippines Report

LTO pinagbabawal na ang pagsakay ng tao sa likod ng pick-up, bonggo, elf, truck at iba pa; P5,000 multa!

LTO

Para sa kaligtasan ng lahat kailangan umanong ipatupad ng Land Transportation Office o LTO 12 ang bagong labas na memorandum mula sa Central office.

Sinabi ni LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga na pinatawag ang LTO, LTFRB at iba pang ahensya ni President Rodrigo Duterte hinggil sa sunod sunod na aksidente sa daan.

Sinabi ni Gonzaga na pinakahuling insidente ang nangyari sa Brgy Lamsalome, Tboli, South Cotabato kung saan 22 ang namatay.

Paliwanag ni Gonzaga na hindi lagayan ng pasahero o tao ang likuran ng pick-up, truck, bonggo, elf at iba pang sasakyan na may bakante sa likod dahil ito ay para sa mga producto, kagamitan at iba pa.

Sa mga maliligo naman sa dagat, sinabi ni Gonzaga na kailangan nilang ipatupad ang batas ano man ang dahilan ng mga motorista.

Ayon kay Director Gonzaga na matagal nang mayroong batas na nagbabawal magsakay ng pasahero sa likod ng pick-up at mga truck ngunit bilang konsiderasyon sa mga probinsya na kaunti lamang ang sasakyan ay pinapayagan ito.

Haharap naman sa P5,000 na penalty ang mahuhuli ng LTO.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x