Philippines Report

Maaring tumagal ng 2 years ang deadly COVID-19 ayon sa isang clinical health expert

COVID-19

May prediction ang isang clinical expert sa infectious diseases na ang bagong coronavirus o COVID-19 pandemic ay maaring tumagal ng halos dalawang taon lalo na ngayon at dumarami ang mga cases.

Ang warning ay nagmula kay Zhang Wenhong, isang Chinese expert na head ng Shanghai’s COVID-19 clinical expert team, dalawang taon ang aabutin bago tuluyang mawala ang COVID-19, ayon sa report ng South China Morning Post.
“It would be perfectly normal if the virus comes and goes, and lasts for one or two years,” ayon kay Zhang sa isang videoconference sa Germany.

Dagdag ni Zhang, aabot ang peak ng COVID-19 sa pagitan ng April hanggang June at maaring bumalik ito sa susunod na winter season. Kailangan ng matinding global effort para mapuksa ito.

“If only the whole world could stop moving for four weeks, the pandemic could be stopped,” dagdag ng health expert.

Isa ring director si Zhang sa Infectious Diseases Department of Fudan University's Huashan Hospital sa Shanghai at nagbigay ng warning na hindi ito kaagad mawawala sa Europe kung saan patuloy na tumataas ang cases ng COVID-19.

“I see a good trend that governments are becoming more and more proactive,” dagdag niya.

“As long as the strategies of all countries become increasingly vigorous, effective control of the pandemic is just a matter of time.”


Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x