DISASTER PREPAREDNESS

MAGULANG SINANAY NG ‘MUNTI’ SA DISASTER PREPAREDNESS

DISASTER PREPAREDNESS: MAGANDA ang ginagawang paghahanda ng pamahalaang Muntinlupa City sakaling tumama ang pinangangambahang 7.2 magnitude earthquake kung saan ay binigyan ng pagsasanay ang mga magulang ng mga estudyante ng lungsod.

Kasabay nito ay inatasan ni Mayor Jaime Fresnedi ang Disaster Risk Management Council at Social Service Department upang magsagawa ng Disaster Preparedness and West Valley Fault Briefing na ginanap noong October 18 sa Muntinlupa Resiliency Building, Tunasan.

Layunin nitong mabigyan ng kaalaman ang mga magulang sakaling tumama sa bansa ang magnitude 7.2 earthquake base na rin sa inilabas na pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Base sa inilabas na listahan ng PHIVOLCS, walo sa siyam na barangay sa Muntinlupa City ang posibleng makaranas ng lindol at ito ay ang mga sumusunod: Sucat, Bali, Cupang, Alabang, Bayanan, Putatan, Poblacion at Tunasan.

 

DISASTER PREPAREDNESS

Tumagal nang isang buwan ang proyektong ito ni Fresnedi na ginanap sa iba’t ibang lugar sa lungsod na layuning maituro sa mga magulang ang kanilang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng malakas na lindol at iba pang sakuna.

Maganda ang naging inisyatibong ito ng lokal na pamahalaan dahil isa itong paraan upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga residente at kung ano ang kanilang gagawin sa panahon ng kalamidad.

Kasama rin sa mga itinuro sa mga dumalo ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna, crime prevention at traffic monitoring.

Samantala, patuloy naman ang pagdagdag ng mga classroom sa Muntinlupa City matapos na pasinayaan ang four-storey building na may 12 classrooms sa Bayanan Elementary School Unit 1 kamakailan.

Layunin nitong mabigyan ng sapat na silid-aralan ang mga estudyante sa buong lungsod nang sa gayon ay mas maging madali sa kanila ang mag-aral ng mabuti dahil hindi na nagsisiksikan sa mga classroom.

Ang pagpapatayo ng silid-aralan na ito ay inisyatibo ni Congressman Ruffy Biazon upang mabigyan ng maayos na classrooms ang mga estudyante sa tulong na rin ni Mayor Fresnedi para sa mga residente ng lungsod.

 

Remate


Posted

in

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *