Philippines Report

Malacañang kinontra ang DOLE, ibigay ang 13th month pay kahit pandemya

13th month pay

Bawal dahil sa batas — ‘yan ang reaksyon ni presidential spokesperson Harry Roque, Lunes, sa inilulutang na planong ipagpaliban ang pamimigay ng 13th month pay sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).

Ika-8 kasi ng Oktubre nang sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pinag-aaralan nila ang posibilidad na i-“defer” ng ilang kumpanya ang pamimigay ng nasabing benepisyo na ibigay na lang ito latest sa 2021.

Pero ayon kay Roque, na isang abogado, hindi ito basta-basta pwedeng agawin sa manggagawa't empleyado lalo na't karapatan ito sa ilalim ng Presidential Decree 442 (Labor Code).

“The law has not been ammended. That is the law. That is a mandatory provision of the labor code,” ani Roque sa mga reporters kanina.

Una nang sinabi ni Bello na wala silang sinasabing mag-e-exempt sila ng sinumang employers sa pagbabayad nito. Gayunpaman, pwede raw itong ibigay sa mga establisyamentong naghihikahos na sa pinansya, ayon na rin sa implementing rules and regulations (IRR) ng batas.

Gayunpaman, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, na dating kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), na walang sinasabing exemption sa Presidential Decree 851 — ang batas na gumawa sa 13th month pay noong 1975.

“For me, that (exemption) is doubtful and can be questioned. If exemptions are to be granted, it should be done individually. The exemption must be done per enterprise, not an entire industry,” ani Drilon nitong Linggo sa dzBB.

DOLE: Di bale nang huli kesa sa wala

Giit naman ni Bello, mas okay na raw na mahuli ang payment ng 13th month pay kaysa hindi na lang talaga magbigay sa mga manggagawa, lalo na't umaaray ang mga negosyo bunsod ng mga limitadong operasyon sa gitna ng COVID-19.

Gayunpaman, aminado ang DOLE secretary na napakalawak ng pakahuluhan sa “disterssed establishment” at dapat munang linawin.

“We are still studying this and it would be a subject of thorough discussion by both the management and employees,” dagdag niya.

Bagama't nasa labor department ang bola sa pagsisiyasat, naninidigan naman ang Palasyo na hindi ito maaaring gawin: “Pabayaan po natin pag-aralan ng DOLE, pero sa aking tingin, hnaggang magkaroon ng bagong batas, eh baka hindi po maaari ‘yan na ma-defer,” sambit pa ni Roque.

Ayon sa Bureau of Working Conditions (BWC), isang staff bureau ng DOLE, ang 13th month pay ay obligadong ibigay ng mga employers at hindi basta prerogative. Naiiba ito sa “bonus” na nagmumula sa “generosity” ng isang kapitalista.

Matagal man o maiksi ang trinabaho ng isang empleyado sa kumpanya, dapat siyang makatanggap ng nasabing benepisyo. Gayunpaman, hindi ito ibinibigay ng napakaraming kumpanya na “kontraktwal/talent” ang tingin sa trabahante.

“All rank-and-file employees who have worked for at least one (1) month during the calendar year, are entitled to receive 13th month pay regardless of the nature of their employment and irrespective of the methods by which their wages are paid,” wika ng BWC sa kanyang website.

Source

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x