Philippines Report

Malakas na bagyo papasok sa Saudi, mga Pinoy pinaghahanda

Malakas na bagyo papasok sa Saudi: Pinaghahanda na ng Department of Foreign Affairs ( DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) dahil sa pagpasok dito ng isang malakas na bagyo.

Ginawa ito ng DFA kasunod ng babala ng konsulada ng Pilipinas sa mga OFW sa Najran at mga katabi nitong lugar sa inaasahang pananalasa ng bagyo sa Sabado sa Saudi Arabia.

 

Ayon kay Consul General Edgar Badaos, tinatayang nasa 36,000 ang mga OFW sa lugar.

Sa abiso ng General Authority of Meteorology and Environmental Protection ng KSA, makakaranas ng pag-ulan, malakas na hangin at sand storm na posibleng magresulta sa zero visibility sa kanlurang bahagi ng Saudi Arabia umpisa sa Mayo 26 hanggang mayo 29.

 

https://philippinesreport.com/taxi-driver-siningil-ang-ofw-ng-mahigit-2100php-sa-7-kilometers-na-takbo/

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

2 Comments

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x