Philippines Report

Marcos nilaglag ang kapartidong si Cayetano sa Solid North

Imee Marcos

Nilaglag umano ni incumbent Ilocos Norte Governor at senatorial candidate Imee Marcos ang anim niyang kapwa kandidato mula sa 12-man administration slate kabilang ang isa niyang kapartido para sa nalalapit na midterm elections sa Lunes.

Base sa sample ballot na iniabot ng isang mapapagkakatiwalaang source ng Abante, anim na senatoriable lamang sa isang dosena na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang binitbit ni Marcos sa kanyang balwarte sa buong Ilocos Norte.

Kabilang sa mga kandidatong dala ni Gov. Marcos maliban sa kanyang sarili ayon sa nasabing sample ballot na ipinamamahagi ng kanyang kampo ay sila dating Special Assistant to the President (SAP) Chrisptopher Lawrence “Bong” Go, dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino, dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa at ang mga reelectionist senator na sina Cynthia Villar at Joseph Victor “JV” Ejercito.

Hindi naman kasama sa nasabing listahan ang iba pang personal na inendorso ng Punong Ehekutibo kabilang na ang kasamahan ni Marcos sa Partido Nacionalista (NP) na si House Deputy Speaker Pia Cayetano.

Noong nakaraang Huwebes Santo, iniulat ng Politiko, isang online news website na sister publication ng Abante, ang umano’y single vote scheme na plano ng kasalukuyang gobernadora ng Ilocos Norte sa Solid North para sa nalalapit na matapos ipatawag ang mga alkalde at gobernador ng Region 1 at 2.

Base sa plano, tanging si Marcos lamang ang senatorial bet na dadalhin at hihilingin na iboto ng mga local leader sa kanilang nasasakupan upang siguradong pasok ang anak ng dating diktador sa Magic 12 sa araw ng halalan.

Hindi umano kuntento ang gobernadora sa kanyang kasalukuyang sitwasyon dahil naglalaro lamang siya sa ika-15 puwesto base sa mga pre-election survey na naglabasan nitong mga nakaraang linggo.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x