Philippines Report

Mark Anthony abswelto sa marijuana

philippinesreport December 24, 2017 Headlines No Comments on Mark Anthony abswelto sa marijuana

Nakalaya na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez makalipas ang mahigit isang taon na pagkabilanggo matapos mahulihan ng marijuana sa isang police checkpoint sa Angeles, Pampanga noong Oktubre 3, 2016.

Pero hindi pa lumalantad sa publiko ang 38-anyos na si Mark Anthony na anak nina Rudy Fernandez at Alma Moreno.

Maging ang pamil­ya nito ay hindi pa nagsasalita sa nangyaring paglaya ni Mark Anthony noong Biyernes ng gabi.

Base sa nakalap na impormasyon mula sa malalapit sa pamilya ng aktor, nabasura ang kasong illegal possession of illegal drugs laban sa kanya pero may natira pang isang kaso na misdemeanor o maliit na kasalanan.

 

24 employees feared trapped in Davao City mall fire

 

 

Isang malapit na kaibigan ng aktor ang nagkuwento na nakausap niya si Mark Anthony na umiiyak at nagpapasalamat sa kanyang paglaya.

Isa pang malapit kay Mark Anthony, ang aktor na si Joey Marquez na naging asawa rin ni Alma Moreno, ang nagkuwento na nakausap na niya ito at humihingi pa umano sa kanya ng blowout.

“Isa ako sa pinakamasaya sa nangyari ngayon. Kanina ko lang nalaman na nakalaya na siya. Kausap ko siya sabi niya ‘blowout mo ako’. Sabi ko ‘sige kahit saan’,” sabi ni Marquez kahapon nang makausap sa Parade of Stars ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Muntinlupa City.

Hindi pa daw magsasalita si Mark Anthony at haharap sa publiko dahil nais nitong makasama muna ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Sinubukan din hi­ngan ng pahayag ang kanyang abogado na si Atty. Sylvia Flores pero hindi ito sumasagot sa tawag.

Dakong alas-8:30 noong Oktubre 3, 2016 nang arestuhin siya ng mga pulis matapos mahulihan ng may isang kilong marijuana.

Tinangka pa umano ng aktor na takasan ang mga pulis na nagmamando sa isang checkpoint sa Angeles kaya hinabol siya hanggang sa maabutan sa San Fernando City.

 

‘Christmas miracle': Missing teen Ica found in Laguna

 

Sa pagsisiyasat sa kanyang sasakyan, nahulihan si Mark Anthony ng isang kilong marijuana. Dinala siya sa Station 6 ng Angeles City Police.

Sa kanyang paha­yag matapos maaresto, sinabi ng aktor na gumagamit siya ng marijuana bilang gamot para maiwasang magkasakit ng cancer. Ang nahuli umano sa kanya na isang kilong marijuana ay gagamitin niya para sa loob ng isang taon.

Dati na rin nasangkot sa droga si Mark Anthony at boluntaryo pa itong pumasok sa rehabilitation center noong 2004 hanggang sa gumaling at bumalik sa pag-aartista.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x