P70k Na Maternity Benefits

Mga Buntis, Makakakuha Na Ng Hanggang P70k Na Maternity Benefits Mula Sa SSS

Siguro, para sa nanay, isa na sa pinakamagandang balita na kanilang maaaring marinig ay ang maternity benefits na maibibigay sa kanila upang sa gayon ay makatulong ito hindi lamang sa kanila, kung hindi pati na rin sa kanilang mga anak at magiging anak.

Kamakailan lamang, naglabas ng magandang balita ang ahensya ng Social Security System (SSS) noong Huwebes.

Sinabi nila na posibleng umabot ng nasa P70,000 ang maximum maternity financial assistance na maaaring ibigay ng SSS simula Enero 2020.

Kasunod nito ay ang implementasyon ng Republic Act No. 11210 o tinatawag na Expanded Maternity Leave Act at ang SSS Act of 2018, ayon sa salaysay na sinabi ni SSS President and CEO Aurora Ignacio.

Dahil sa pagpapatupad ng bagong minimum at maximum monthly salary credit kung kaya’t tumaas ang SSS benefits na maaaring makuha ng mga miyembro nito.

Dahil daw dito, ang isang nanay na dati lamang nakakatanggap ng nasa P32,000 ay magiging lagpas doble na.

Umabot pa nga ng higit na 122,000 nanay ang nakakuha ng dagdag-benepisyo simula noong maipatupad ang Expanded Maternity Leave Act, batay sa salaysay ni Ignacio.

Mula Enero hanggang Abril nitong taon, lumalabas na mayroong P2.67 billion na maternity benefits ang maibibigay ng SSS kung saan ito ay mas mataas ng nasa 15.09 na porsyento noong nakaraang taon at sa parehong panahon.

Matapos ang anunsiyo ng ahensya ng SSS, maraming mga nagbubuntis na nanay ang natuwa at laking pasasalamat nila sa magandang balitang ito.

Ayon sa kanila, makakabawas na ito sa kanilang isa pang pinoproblema. Ito din ay maaaring makatulong sa kanilang panganganak hanggang sa matapos ang kanilang pangangak.

Tunay nga na ang maternity benefits ng SSS ay talagang makakatulong sa mga ina pati na rin sa kanilang magiging anak. Sila din ay maaaring makapagpahinga ng maayos ng hindi inintindi ang kanilang sahod o trabaho dahil sa Maternity Leave Act.


Posted

in

by

Tags:

Comments

One response to “Mga Buntis, Makakakuha Na Ng Hanggang P70k Na Maternity Benefits Mula Sa SSS”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *