Philippines Report

Drug Test Sa Mga Artistang Pinoy, Isinusulong Na Ng FAMAS

Isinusulong ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa pangunguna ni president Eloy Padua  na sumalang na sa drug test ang mga artista sa PDEA.

Matapos lumabas ang report na mayroong mga kliyenteng artista ang naarestong DJ na si Karen Bordador at ang boyfriend nitong nagbebenta ng party drugs. Dahil dito inaatasan na ng (FAMAS) na sumailalim na ang mga artista sa drug test.

drug test

Sinabi ni Padua, mahalagang malinis ang hanay ng mga artista mula sa mga gumagamit ng iligal na droga upang maalis na ang duda ng marami at hindi madamay ang mga hindi gumagamit nito.

Nahaharap sina Bordador at Emilio Lim sa patong-patong na kaso dahil sa kaugnayan ng mga ito sa illegal drug trade.

Matatandaang sinalakay ng PNP Crime Laboratory ang condominium unit ng magkasintahan sa Pasig City na nasamsam ang ilang marijuana at ecstacy.

 

Source: Remate

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response