Philippines Report

Mga Pagkaing Bawal Na Pasalubong Mula Sa Ibang Bansa

Pagkaing Bawal Na Pasalubong Mula Sa Ibang Bansa

Para sa isang OFW, ang pagdadala ng pasalubong para sa pamilya ay isa nang tradisyon lalong lalo na sa ating mga Pilipino.

Sa makatuwid, eto ay kadalasang nagdadala ng kasiyahan sa isang pamilya na nagiging tanda nag pag-alala sa mga minamahal.

Ngunit paano nalang kung ang mga pasalubong ay makumpiska sa airport pa lang? Paano na lang eto aabot sa pamilya?

Isa na namang insidente ang naganap sa isa nating kababayang OFW tungkol sa kanyang pasalubong para sa pamilya.

Ang OFW na eto ay nagngangalang Juliet Torres, na nagdala ng pasalubong na prutas para sa pamilya. Eto ay binubuo lamang ng mansanas, ubas, orange, at ilang mga gulay. Sa kasamaang palad, nakumpiska eto.

Ayon kay Juliet, hindi lang daw eto ang unang pagkakataon na siya ay nagdala ng pasalubong. Neto lamang daw na Mayo sa kasalukuyang taon, nakapagdala rin sya ng parehas na pasalubong ngunit hindi daw eto nakumpiska. Pero kung ikukumpara natin, eto ay ngyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Juliet ay lumapit sa BITAG, isang TV show ni Ben Tulfo matapos mangyari ang insedente. Talaga naman nanglumo eto at nalungkot nang ang kanyang mga pasalubong ay naglaho na parang bula.

Si Ben Tulfo ng BITAG ay agad na sumanguni sa Bureau of Plant and Industry hingil sa nangyaring insedente sa Clark International Airport at kung ano nga ba ang dahilan ng pagkumpiska sa mga pasalabong ni Juliet.

Ayon sa agency, hindi daw pinahihintulotan ang pagdadala ng mga produktong pang agrikultura sa Pilipinas na nanggaling sa ibang bansa dahil sa mga issue hingil sa sanitasyon ng mga eto. Iginiit pa ng ahensya na hindi daw eto sertipikadong malinis na maari maging sanhi ng pagkakasakit ng ating pananim.

Gayon pa man, binigyan na rin ng ahensya ng abiso ang lahat ng mga International Airport na maging mahigpit sa panukalang eto.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x