Philippines Report

MRT3 walang biyahe bukas, at Linggo

Philippines Report July 3, 2020 News 1 Comment on MRT3 walang biyahe bukas, at Linggo
MRT3

Mga tren ng Metro Rail Transit 3 walang byahe bukas at sa Linggo.

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero, 90 bus ang bibiyahe bukas sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Ang unang bus ay aalis ng alas-5:30 ng umaga at ang huling biyahe ay alas-8 ng gabi.

Ang mga pa-southbound ay maaaring sumakay sa North Avenue station at Quezon Avenue station. Ang babaan naman ay sa Ayala station at Taft station.

Ang mga pa-northbound naman ay maaaring sumakay sa Taft Avenue station at Ayala stations, ang babaan ay sa Quezon Avenue station at North Avenue station.

Hindi bibiyahe ang mga tren ngayong weekend upang mapabilis ang pagpapalit ng mga riles na target matapos sa Setyembre.

Bukod sa Hulyo 4 at 5, wala ring biyahe ng mga tren ng MRT-3 sa Agosto 8-9, 21-23 at Setyembre 12-13.

Kapag natapos ang pagpapalit ng riles ay unti-unting pabibilisin ang takbo ng mga tren. Mula 40 kilometro bawat oras ay iaakyat ito sa 60 kilometro bawat oras sa Disyembre. Dahil dito ay iikli ang paghihintay ng mga pasahero sa pagdating ng mga tren.

Please like and share our Facebook posts to support Philippines Report team!

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x