Philippines Report

Negros Occidental, inulan ng yelo

Philippines Report May 25, 2020 News No Comments on Negros Occidental, inulan ng yelo
Negros Occidental, inulan ng yelo

Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman ng ilang residente sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental nang umulan na may kasamang yelo sa kanilang lugar, Linggo ng hapon.

Ibinahagi ng netizen na si Silva Fernando Joemon ang nasaksihang pagpatak ng ulan na may kasamang yelo sa kanilang bahay.

Maging ang kanilang mga kapitbahay ay nabulabog sa pagbuhos ng ga-butil ng mais sa kanilang lugar.

Nabatid na bagamat naalarma nung una ang mga residente ay napalitan na rin ito ng tuwa lalo na ng mga kabataan dahil bahagyang naibsan ang nararamdaman ngayong init sa lugar.

Sinabi naman ni Zeaphard Caelian, head ng Provincial Disaster Management Program Division sa Negros Occidental, na epekto ng hailstorm ang pag-ulan ng yelo sa lugar.

Ang hailstorm umano ay bunga ng hindi kompletong pagkatunaw ng ice particles na kadalasang dala ng pagkidlat.

Kasabay nito’y pinaalalahan ng PDMPD ang publiko na sumilong at pumasok sa loob ng bahay sakaling maulit ang hailstorm upang makaiwas sa sakuna.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x