Philippines Report

P1B pinasusuka sa ABS-CBN renewal

Philippines Report February 15, 2020 News 1 Comment on P1B pinasusuka sa ABS-CBN renewal

MALAKAS ang balitang P1 bil­yon umano ang asking price na pinasusuka para sa renewal ng ABS-CBN franchise at ilang makapangyarihang mambabatas ang humihingi ng malaking halaga kapalit ng pagkilos para masimulan na ang pagdinig sa pending bill tungkol sa pagpapalawig ng operasyon ng Kapamilya network.

Ang nasabing halaga na pinasusuka sa ABS-CBN ay apat na beses ang patong umano sa ‘asking price’ noon sa ilalim ng panahon ng Aquino administration kung saan P250 milyon ay sapat na para maproseso ang aplikasyon ng franchise renewal.

Taong 2014 nang simulan ang ABS-CBN franchise renewal bid na isinampa noon nina Isabela Rep. Giorgidi Aggabao at Baguio Rep. Nicasio M. Aliping Jr. Gayunman, hanggang sa matapos ang Aguino administration ay hindi nakuha ng ABS-CBN ang bagong prangkisa.

Sa kasalukuyan, 11 bill ang nakasampa sa Kamara de Representante na humihiling na palawigin ng 25 taon ang operas­yon ng network.

Dahil sa papalapit na 2022 elections, hindi umano malayong madagdagan pa ang P1 bilyong hirit sa ABS-CBN. At dahil nakatakda nang mag-expire ang prangkisa sa susunod na buwan, wala umanong magagawa ang mga Kapamilya boss kundi pagbigyan ang demand kapalit ng kanilang ope­rasyon.

Source

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x