Philippines Report

P80k hanggang P300k na sahod ng mga trabahadong pinoy ang bubuksan ng Canada

Filipino sa Canada

Inatasan umano ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kinauukulang ahensiya na bilisan ang pagrepaso sa mga kailangang gawin upang makapagpadala na mga manggagawang Filipino sa Canada.

Inanunsyo ito ni Bello sa isang pahayag kasunod ng pinirmahan niyang joint communique kasama ang mga opisyal ng Yukon, Canada para sa deployment ng 2,000 skilled OFWs bawat taon sa naturang bansa.

“Naglalaman ang joint communique sa Yukon, Canada ng kanilang hiling para sa 2,000 skilled worker kada taon,” sabi ng kalihim na nagtungo sa Canada nitong nakaraang buwan.

“Ang mga Pilipino doon ay very prosperous, at very happy. Kinausap ko ang bawat isa sa kanila, at lahat sila ay masaya at well taken care of,” dagdag ng kalihim.

Aabot umano ang suweldo mula P80,000 hanggang P300,000 para sa mga bubuksang trabaho na para sa mga Pinoy ng heavy equipment operator, nurse, cook, chef, engineer, caregiver, call center agent at iba pang lokal na oportunidad sa trabaho.

Bukod dito, maaari pa umanong dalhin ng OFW sa Canada ang kanilang pamilya.

“Mas gusto ng mga Canadian ang mga Pilipinong manggagawa dahil sa kalidad ng trabaho at sipag nating mga Pinoy. Mahalaga rin sa kanila ang family bond, kaya naman hinihikayat nila ang mga manggagawa na isama ang kani-kanilang mga pamilya sa Canada at tutulungan silang makapasok sa nasabing bansa,” pahayag pa ng opisyal.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat na fluent o mahusay sa English, mayroong naaayon na job degree, may sapat na pagsasanay, at physically at mentally fit.

Matapos ang pirmahan ng kasunduan, inatasan umano ni  Bello si si Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang pabilisin ang deployment ng mga manggagawa sa Yukon, at maging ang pagpoproseso ng mga Overseas Employment Certificate (OEC) para sa mga magtatrabaho sa Vancouver at Toronto.

Sinabi rin ng kalihim na nais nang lumagda ng mga opisyal sa Yukon ng isang bilateral agreement upang gawing pormal ang deployment ng mga OFW sa Yukon, Canada. Gayunman, hiniling daw ni Bello na bumisita ang mga ito sa Pilipinas para dito gawin ang paglagda sa kasunduan.

Source

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x