Philippines Report

Pacquiao Handang Mawalan Ng Puwesto Sa Pederalismo

Handang isakripisyo ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang kanyang posisyon para sa pagsusulong ng pagbabago ng sistema ng gobyerno patungong Pederalismo.

Sinabi ng Pambansang Kamao sa isang interview ng PTV-4 na suportado niya ang isinusulong na Pederalismo ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil naniniwala siyang makatutulong ito sa buong bansa.

Ito ay kahit pa malusaw ang Senado sa ilalim ng Pederalismo.

“Wala po tayong problema sa Federa­lism, suportado natin ‘yan para sa ikabubuti ng mamamayang Filipino, kahit maalis ung posisyon ko,” saad ni Pacquiao.

 

Boobs Ni Deborah Sun Pinagnasaan Ng Nakakulong Na Ex-Matinee Idol

 

 

Ipinaliwanag ni Pacman na hindi naman nito naging ambisyon ang pagiging mambabatas at ang nais lamang niya ay paglingkuran ang taumbayan.

“Kasi ang pagiging senador ko hindi naman dahil sa sarili kong ambisyon kundi para sa pagseserbisyo ko sa tao. Pero kung ang Pederalismo makatutulong sa tao sa bansa, why not. Either may posisyon ako o wala, wala akong problema dyan, dahil ang nasa puso ko ay ang pagseserbisyo sa bansa,” dagdag ni Pacquiao.

Binigyang-diin pa nito na kailangan lamang na maging malinaw sa isusulong na sistema ang pantay na kapangyarihan ng bawat lalawigan.

“Ang importante, malinaw ang distribu­syon ng kayamanan ng Pili­pinas. Kasi ‘yung mahihirap na lalawigan napag-iiwanan. Kaila­ngan pag-usapan mabuti nang walang maiwa­nan,” dagdag ni Pacman.

Ang Pederalismo ay isang uri ng pamahalaan na nagbibigay ng eksklusibong pamamahala sa mga rehiyon ng isang bansa. Ang isang bansa ay nahahati sa iba’t ibang estado kung saan ang mga ito ay may kakayahan at kapangayarihang mamuno ng malaya sa bansa tulad ng pagpapataw ng buwis at paggawa ng mga sariling batas.

Ilan lamang sa mga bansang federalismo ay ang Russian Federation, United States, USSR, Canada, Mexico, Brazil, Germany, Switzerland, Australia at India.

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response