National Bilibid Prisons

Sisimulan na ang pagdinig sa kaso ng illegal na droga sa loob ng bilibid

Mag uumpisa na ngayong linggo ang imbestigasyon ukol sa paglaganap na iligal na droga sa National Bilibid Prisons (NBP) noong panahong si Sen. Leila de Lima ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Binigyang-diin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na wala pang eksaktong petsa sa pagdinig ng kaso sa National Bilibid Prisons subalit maaaring itong linggo aniya dahil inaayos na ng Kamara ang magiging mga resources person.

National Bilibid Prisons
RAID AT BILIBID PRISON MUNTILUPA

“Inaayos lang natin ang mga resource person para naman hindi humaba masyado at saka hindi nawawala doon sa gusto nating purpose noon gating inquiry,” ani Alvarez.

Ipinaliwanag din ng speaker na hindi si De Lima ang target ng imbestigasyon kundi ang paglaganap ng droga sa NBP noong siya pa ang DOJ secretary.

“Hindi po si De Lima dito ang ating purpose na iniimbestigahan, kungdi iyong proliferation of drugs under her watch. So doon po magpo-focus ‘yung ating investigation in aid of legislation so that we would be able to come up with a particular legislation that would address that problem para huwag nang mangyari ulit.”

Sakali aniyang maisaayos na ang mga resources person a sisimulan na ang pagdinig kahit kasabay ng budget hearing.

Samantala, hindi pumapayag si Surigao Rep. Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa P36-milyong inilaan ng nakaraang administrasyon bilang budget ng Philippine National Police para sa anti-drugs operations nito.

Ani Barbers, nagpanukala ang kanyang komite ng P1-bilyong budyet para sa 2017 na gagamitin ng PNP at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) para sa kampanya nito laban sa droga.

Naunang nagsumbong ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi sila binigyan ng kahit sentimong badyet ng administrasyong Aquino para sa kampanya laban sa droga.

Source: Remate


Posted

in

, ,

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *