Philippines Report

Pagkakabit ng oxygen, inamin ni DUTERTE

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ito ng oxygen concentrator, isang medical device para magkaroon ng maayos na paghinga.

“I’m 72 yesterday. I cannot eat na gusto ko…sabihin nila ‘yung cholesterol mataas…’yung sugar mo bantayan mo. Hindi ka… wala hindi na makainom kasi may Barrett (Barrett’s esophagus). I cannot smoke because of the…,” anang isang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa dinaluhang Mindoro People’s Day sa Bgy. Batong Dalig, Socorro, Oriental Mindoro kahapon ng hapon.

 

Duterte Celebrates 72nd Birthday With Family In A Simple Way

 

“May pinost dyan sa ano… ‘yung oxygen (concentrator) ko kasi kung matulog ako ganun lang… ‘yung oxygenation ko hindi maganda because of smoking…that is why in the coming months we will be implementing no smoking law in the Philippines,” dagdag ng Pangulo.

Pabiro ring sinabi pa ng Pangulo na sino mang gustong magyosi ay dapat malayo sa kalupaan.

“You can only smoke if you are in the open sea at least five kilometers from the coastal shore. Doon kayo maghithit,” natatawang hirit ng Pa­ngulo.

 

READ MORE 

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x