Philippines Report

Pari binatikos matapos sabihing ipa-confine ang may coronavirus sa kuwarto ni Duterte

Binanatan ng mga netizen ang isang pari matapos niyang isuhestiyon na puwedeng i-confine ang mga Chinese na nasa Pilipinas na positibo sa coronavirus (nCoV) sa kuwarto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban sa Presidente, pwede rin daw sa kuwarto ni Senador Bong Go.

Burado na sa kanyang Facebook account ang post na ito ni Father Eric Sarmiento Salamat pero agad kumalat ang screenshot nito sa social media.

Sa kanyang post sinabi ng pari na:

“May 2 places lang sana na pwedeng i-confine ang mga Intsik na nasa Pinas na positive sa coronavirus:

1. Sa kwarto ni Pres. Digong
2. Sa kwarto ni Sen. Bong Go…

Tapos magkwentuhan sila dun ng mga chekwang fairy tales.”

May ibang netizen na kinuwestiyon si Salamat kung totoo raw ba na Katoliko ito at pari.

“Imbes ipagdasal ni Father ung mga Chinese na may sakit.. Ganyan pa cnasabi niya.. Hey, Father, anuman pong lahi, katoliko man o hindi.. nilikha cla ng Diyos, mpagmahal ang Panginoon, sna gnun ka din.. Kaya minsan ako bilang Katoliko (Roman Catholic) nawawalan ng gana mkinig sa mga kaparian, homily hinahaluan ng politics,” comment ni netizen Anne Magaway.

“Ano ba yan kya nakakawalang gana magsimba dahil sa mga paring kagaya nito.. Ipinagdadasal ko sa diyos na yung paring ganito at mga tao na ang pag-iisip ay baluktot at puro kagalitan ang laman ng puso at isipan naway paglinawin ng panginoon ang isipan nyo.. Nakakalungkot na mismo taga simbahan pa ang nagnagpapakalat ng hate,” sentimyento naman ni Wowie Aspiras.

“Sa gitna ng pagdurusa ng mga nadapuan ng virus ito ka pinairal mo ang pagiging gago mo! Kung galit ka sa Pangulo at Sen. Bong Go, pwes manigas ka dahil di ka dapat nagpari, nagpolitiko ka na lang sana!” galit na galit namang sabi ni Pius Narcissus Dominic.

Source: https://tnt.abante.com.ph/

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x