Philippines Report

Pastor Apolinario sa bantang pagpapasara ni Duterte sa Kapa ‘pyramid scam’: ‘Di kami ‘yun, ligal kami!

Pastor Apolinario sa bantang pagpapasara ni Duterte sa Kapa ‘pyramid scam’

Naglabas ng pahayag si Pastor Joel Apolinario ng Kapa-Community Ministry International Inc. hinggil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipasara ang Surigao based-religious cult at arestuhin ang mga lider nito.

Sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy kay Duterte, tinawag ng Pangulo na “pyramid scheme”ang Kapa at ang mga tao sa likod nito na “anak ni Lucifer” dahil sa pangangako umano ng mga ito sa maraming mga tao na magkakaroon ng malaking kita o massive financial returns sa kanilang mga ‘donasyon’ sa ministry ni Apolinario.

“Hindi po tayo un. ‘Yung ipina-stop niya ‘yung lang walang kaukulang
papeles na biglang sumulpot na parang kabute, mga walang legalidad.
Tayo ay legal po, may papers tayong ipakita,” saad ni Apolinario sa isang YouTube video kung saan ay kinakausap niya ang kaniyang mga tagasunod.

“Bilang member, maging matatag po tayo kasi legal at isa po tayong
religous group,” paliwanag ni Apolinario.

Imbes na mag-panic ay naglabas ng mensahe si Apolinario para sa kaniyang mga tagasunod at pinayuhan ang mga ito na mag-relax sa kabila ng banta ng Pangulo na ipasasara ang Kapa at kakasuhan ng ‘syndicated estafa’ ang mga lider nito.

“Sa lahat po ng member at new members, just relax, ‘wag kayong
matakot, kayang, kaya natin ito. Isa lang itong delubyo na nangyari sa
gropo, mga pagsubok lang ang nangyari… madali lang ito, 10 days lang
ang sisikapin,” aniya.

Ani Apolinario, walang kakayahan ang mga awtoridad na ipasara ang Kapa o arestuhin sila hanggat wala pa ang utos ng korte. Pinayuhan niya ang kaniyang mga miyembro na itrato lamang ito na ‘formal visit’ ng NBI sa kanilang fellowship centers.

“Tayo naman po mga kapatid ay talagang lumalaki ang grupo at
napakasikat na at kaya pag may sinasabing ganoon, tayo ang tataman
kaagad. Pero ‘di tayo ‘yun. Dahil ang ipapasara ng Presidente ‘yun
talagang walang papeles, walang legalidad,” saad ni Apolinario.

“Pag iligal, ipapasara ka nga. ‘Yan ang pwedeng mangyari sa mga
nagsusulputang kabute na mga ‘yan, wala ngang source kung saan kukuha
(ng pondo),” dagdag pa niya.

Ani Apolinario, mayroong 30 establishments at businesses ang Kapa na kailangan upang ma-sustain ang investment model nito at maibigay ang mga pangangailangan ng mga miyembro.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x