Philippines Report

Pasyente nag-violin habang inooperahan sa utak

Kakaiba ang naging solusyon ng mga surgeon sa isang ospital sa UK para maiwasan ang mga bahagi ng utak na responsable sa hand movement ng violinist na si Dagmar Turner at hindi maapektuhan ang pagtugtog nito.

Si Turner, musician para sa Isle of Wight Symphony Orchestra sa England, ay nakitaan ng tumor sa kanyang ulo matapos mag-seizure sa isang concert nito noong 2013.

Kaya para maproteksyunan ang kabuhayan ni Turner, naisip ni King’s College Hospital neurosurgeon na si Prof. Keyoumars Ashkan, na mag-violin ang pasyente dahil malapit ang tumor sa area ng utak kung saan responsable sa paggalaw ng kaliwang kamay.

Sa kabuuan ng operasyon ay gising si Turner para makapa ang violin, at ma-monitor ang kanyang galaw.

“We perform around 400 resections (tumor removals) each year, which often involves rousing patients to carry out language tests, but this was the first time I’ve had a patient play an instrument,” ayon kay Ashkan.

“We managed to remove over 90 percent of the tumor, including all the areas suspicious of aggressive activity, while retaining full function in her left hand,” saad pa.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x