Philippines Report

PH flag ginawang barber cape: Mga netizen nanggalaiti sa GSW event

PH flag

Nabalot ng kontrobersiya ang masayang pagtitipon sana ng mga Pinoy sa San Francisco, California dahil sa ‘di wastong paggamit sa disenyo ng bandila ng Pilipinas sa GSW event.

Sa ika-10 taon ng Filipino Heritage Night sa laban ng Golden State Warriors (GSW) at Phoenix Suns sa NBA elims kung saan nagwagi ang huli, 115-111, inilunsad ang ‘Sharp Sunday Line-up,’ pinilahan dito ang mga barberong Pinoy mula sa National Filipino Barbers Association (NFBA) na nagsagawa ng libreng gupit para sa madla.

Nagkaroon din ng kompetisyon kung saan nagpa-ahit ang ilang Golden State fans ng logo ng koponan bilang pagpapakita ng dedikasyon sa hinahangaang team.

Ngunit kapansin-pansin ang barber cape na ginamit para sa nasabing event, na tila may pagkakahawig sa pula, asul at dilaw na disensyo ng bandera ng Pilipinas.

Sa Facebook, nag-viral ang nasabing event na napuno ng kritisismo dahil tila wala umanong respeto ang nag-organize ng nasabing event dahil sa maling paggamit ng bandila ng bansa.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x