Philippines Report

Pinakamalaking scam sa PH: P50B nabulsa ng Kapa Ministry

KAPA

Ibinunyag ng Securities and Exchange Commission (SEC) na isa na umano sa pinakamalaking scam sa Pilipinas ang Kapa Community Ministry International dahil sa mahigit P50 bilyon ang nakamkam nito.

Ayon sa SEC, marami umano ang nahikayat sa investment scam ng Kapa dahil hindi bababa sa 30 porsiyento ang pangakong interes nito kada buwan sa puhunan na inilalagak sa kanila na malayo sa mga interes na ibinibigay ng mga bangko.

Base sa mga nakuhang dokumento ng SEC sa sinalakay ng National Bureau of Investigation na sangay ng Kapa sa Taytay, Rizal noong Lunes, nakabili na ang mga may-ari ng Kapa ng mga mamahaling sasakyan, kaya maituturing na isa na umano ito sa pinakamalaking scam sa bansa.

“With five million members, with the minimum investment of P10,000 per member, your looking at P50 billion,” ani SEC chairman Emilio Aquino.

Kaugnay nito, nakakuha na ang SEC ng freeze order sa Court of Appeals laban sa mga bank account ng Kapa.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x