Philippines Report

‘Pinas pasok sa 25th pinakamalaking ekonomiya sa mundo, ayon kay Duterte

Duterte nagsuka, nahimatay dahil sa tsokolate

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na papasok ang Pilipinas sa ika-25 pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

Ang pahayag ay ginawa ni Duterte sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga lider ng iba’t ibang bansa sa ginanap na roundtable session sa second Belt and Road Forum for International Cooperation isa Beijing, China nitong Abril 27.

“The Philippines, along with the rest of Asia, is on the path of economic resurgence. By 2020, the combined economies of Asian countries will be larger than that of the rest of the world. The Philippines in particular is set to join the ranks of upper middle-income countries as it is projected to become the 25th largest economy in the world in PPP terms,” ayon kay Duterte.

Ayon kay Duterte, ang Asia bilang isang economic powerhouse ay titiyakin na magkakaroon ng paglago at kasaganahan ang rehiyon.

Sanhi nito, maging ang mga Pilipino ay magtatamasa ng komportable at seguradong pamumuhay.

“My government will do all that is necessary to realize this vision. We will build strong partnerships with like-min­ded states, multilateral institutions, and other stakeholders that share our vision,” dagdag pa ni Duterte.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x