Magtutulungan sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Indonesian President Joko Widodo sa pagsugpo sa iligal na droga na kapwa matinding problema ng Pilipinas at Indonesia.
Bukod sa ipinagbabawal na gamot, pagtutuunan din ng pansin ng dalawang presidente ng kanilang mga bansa na sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang problema sa terorismo at pamimirata.
Layunin ng dalawang bansa na gawing drug-free ang ASEAN community.
Sinabi ni Pangulong Duterte na pareho sila ng pananaw ni Widodo kaugnay sa mga problema sa iligal na droga at terorismo kung kaya’t nagkasundo sila na sanib-puwersa ang parehong bansa sa pagpigil, pag-aresto at pagtugis sa mga nagdadala ng takot at gulo sa Indonesia at Pilipinas.
Sa kabilang ako, papaigtingin naman ang puwersa ng hukbong sandatahan ng Pilipinas at Indonesia kaugnay sa mga nasabing problema lalo na ang Philippine Navy kaugnay sa isyu sa Scarborough o Panatag Shoal.
Papaigtingin din ng dalawang bansa ang pagkontrol sa seguridad, human resource development, fisheries and resources expertise at shipbuilding sa sulu maging sa iba pang mga lugar na may katulad na sitwasyon ng nasabing lugar.
Source: Remate
Leave a Reply