Philippines Report

Private schools, pwedeng magbukas ng maaga sa Hunyo

DepEd Secretary Leonor Briones

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na pwedeng magbukas ng maaga sa Hunyo ang mga private schools sa bansa pero bawal muna ang face-to-face learning hanggang August 24.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang desisyon ay inilabas dahil sa umiiral na batas na ang unang linggo ng Hunyo hanggang sa huling araw ng Agosto ang opening ng mga klase.

Binigyang diin ni Briones na papayagan lamang ang face-to-face learning kapag ipapatupad ang health standards at depende sa lala ng local risk sa COVID-19.

Dagdag ng kalihim, magpapatupad din sila ng iba't-ibang learning delivery oprtions tulad ng face-to-face blended learning, distance learnings, homeschooling at iba pa depende sa local COVID Risk Severity Classification.

Di rin umano papayagan ang mga curricular at co-curricular gatherings gaya ng science fairs, presentation ng portfolios, trade fairs, school sports, campus journalism, festival of talents, at job fairs maliban na lamang kung isasagawa ito online.

Binanggit din ni Briones na nag-alok ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na gamitin ang television at radio stations ng pamahalaan para sa learning continuity plan ng DepEd para sa lahat ng estudyante pati na sa mga walang access sa computer at internet.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x