Philippines Report

Publiko, binalaan sa silver cleaner

BINALAAN ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng silver cleaner na nakamamatay bunsod nang taglay nitong cyanide.

Batay sa FDA Advisory No. 2016-088, o Public Health Warning on Silver Cleaners Containing Cyanide, ipinag-utos nito ang monitoring sa mga silver cleaners na ipinagbibili sa merkado at pagkolekta at pagsusuri ng samples ng mga ito, upang matiyak na wala itong taglay na nakalalasong kemikal na cyanide.

Paliwanag ng FDA, ang cyanide ay klasipikado bilang ‘poisonous’ o nakalalason, at madaling ma-absorb ng katawan sa pamamagitan lamang ng inhalation o pagkalanghap dito, ingestion o paglunok dito at maging sa pamamagitan ng dermal absorption.

“It blocks utilization of oxygen in all organs and liable to cause serious injury to human health that may lead to acute poisoning or death,” ayon pa sa FDA.

Nabatid na ang babala ay inilabas ng FDFA matapos matuklasan sa isinagawang pagsusuri ng kanilang Common Services Laboratory, na ang silver cleaner na ipinagbibili sa Unisilver Store (Isetann Bldg., Quiapo, Manila at Metropolis, Alabang, Muntinlupa) at Jewelrich, Incorporated (Isetann Bldg., Quiapo, Manila), ay may presensya ng cyanide.

 

 

Publiko, binalaan sa silver cleaner

 

“The FDA therefore warns the general public against using, buying and storing silver cleaning products found positive for Cyanide, as these pose imminent hazards and danger to both human and animal health,” bahagi pa ng advisory.

Pinayuhan rin ng FDA ang publiko na kung bibili ng silver cleaner ay tiyaking may instruction ito ng kung paano gamitin, may sapat na impormasyon, may pangalan at business address ng manufacturers, packer, distributor, o seller, may common o usual name ng chemical name, signal word na “DANGER,” “WARNING,” “CAUTION,” “FLAMMABLE”, “VAPOR HARMFUL”, “CAUSING BURNS”, “HARMFUL OR FATAL IF SWALLOWED” ot iba pang babala.

Dapat rin umanong tiyakin na hindi ito lulunukin o iinumin, huwag sisinghutin at iiwasang magkaroon ng kontak sa mata at balat at gamitin lamang sa well-ventilated area.

Sakaling aksidenteng malunok o malantad sa naturang kemikal ay dapat rin umanong magbigay ng first aid treatment at kaagad na kumonsulta sa doktor.

 

Remate

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response