Registered nurses pwede nang magpa-accredit sa PhilHealth

MAAARI nang mag aplay ng akreditasyon sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang mga registered nurses sa Pilipinas.

Maaaring makakuha ang mga ito ng maternity care, newborn normal delivery packages sa lahat ng accredited birthing homes.

Ito ay nakapaloob sa circular 2017-0023(revision 1) na inilathala noong Disyembre 29, 2017.

Tinatawagan din ang mga registered nurses na maging professional health care providers para sa tatlong packages sa PhilHealth-accredited birthing homes.

 

Duterte says 600 killings when he was Davao mayor were legit: You have to kill to make city peaceful

 

Sakaling ma accredit, ang mga nurses ay maaaring makatanggap ng payment mula sa PhilHealth sa kanilang serbisyo sa mga miyembro na nakapag-avail ng MCP, NCP at NSD packages sa mga accredited birthing homes.

Maaari rin silang magbigay ng serbisyo para sa family planning benefits.

Layunin nito ay bilang pagkilala sa mga nurses na may malaking kontribusyon sa local health system.

Malaki ang naiaambag ng mga nurses bilang frontliners sa pabibigay ng public health services.

Para maging kwalipikado sa akreditasyon , ang mga nurses ay dapat na lisensiyadong practitioners at nakumpleto ang training sa Basic Emergency Obstetric and Newborn Care mula sa Department of Health (DOH).

Kinakailangan din na may dalawang taon na experience sa labor o delivery room sa isang level 1 hospital.

Kinakailangan din na sila ay sumunod sa mga probisyon sa kanilang nilagdaan sa PhilHealth at kinakailangang aktibong Philhealth member kapag lumagda sa aplikasyon.

Ngunit kinakailangan silang sumailalim sa performance monitoring salig na rin sa Health Care- Providers- Performance Assessment System ( HCP-PAS) sa ilalim ng Philhealth Circular 2016-0026.

Ang mga interesadong nurses ay maaaring mag file ng application sa Regional o Local Health Insurance Offices.

Maaari rin silang tumawag sa PhilHealth’s 24/7 Action Center Hotline, (02) 441-7442 para sa kinakailangang dokumento.

 

Sampung paslit sugatan sa granada

 

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

 


Posted

in

by

Tags:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *