Sampung paslit sugatan sa granada

Sampung bata sa Parang, Sulu, ang nasugatan nang masabugan ng pinaglaruan nilang bala ng grenade rifle Huwebes ng hapon, ayon sa pulisya.

Sugatan sina Nur Aisha Mohammad, 9; Jamih Mohammad, 5; Babi Hulami Palmani, 3; Julsipah Mirisah Amilita, 4; Babi Kamilita Sali, 6; Sidang Hansam Aldi, 10; at Lorita Sabdani Makahati, 8, ayon sa ulat ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police.

Naganap ang insidente dakong alas-2:30 sa baybaying bahagi ng Brgy. Kanaway.

Lumabas sa imbestigasyon na natagpuan ng mga bata ang bala ng 40-mm grenade launcher habang naglalaro sila malapit sa dalampasigan, ani ARMM police spokesman Senior Insp. Jemar delos Santos said, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

 

Mayon evacuees halos 39,000 na

 

Dinala ng mga bata ang pampasabog sa isang bakanteng kubo at doon ito pinaglaruan, hanggang sa bigla itong sumabog, aniya.

Itinakbo ang mga bata sa Parang District Hospital dahil sa mga pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ngunit kinailangang ilipat sa Integrated Provincial Health Office, ani Delos Santos.

Ano nga ba ang Philippine Depositary Receipts o PDR?


Posted

in

by

Tags:

Comments

3 responses to “Sampung paslit sugatan sa granada”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *