Philippines Report

SONA ni Duterte binigyan nang gradong ‘9 out of 10’ ni Roque kahit naidlip

SONA ni Duterte binigyan nang gradong '9 out of 10' ni Roque

Kahit maraming ipinangakong talakayin na hindi nabanggit sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA), halos perpektong perpektong grado ang ibinigay ng Palasyo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati noong Lunes.”Alam niyo po kayo, bago na ‘yung format ng SONA natin,” depensa ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing, Martes.

“Meron po tayong pre-SONA na tinatawag, kung saan ‘yung mga detalye ay sinabi na ng mga kalhim ng iba't ibang departamento. Ang kay presidente lang po, is talagang ‘yung direksyon at ‘yung mga broad strokes. Hindi na po ‘yung mga detalye.”

Totoo nga naman na nagkaroon ng serye ng mga pre-SONA forum ang iba't ibang miyembro ng Gabinete, bagay na nagsimula noong ika-8 ng Hulyo. Kung napanood ‘yan nang marami, hindi ito tiyak.

Ilan sa mga isyung tinalakay ni Duterte ay ang pakiusap niyang maibalik ang parusang bitay gamit ang lethal injection, pagganda ng credit ratings ng Pilipinas, economic benefits ng “Build, Build, Build”, pagkakaroon ng P66-bilyong agricultural stimulus funds atbp.

Binanggit din ni Duterte ang pakiusap niya kay Chinese President Xi Jinping na masama ang Pilipinas sa mga unang mabibigyan ng COVID-19 vaccine kung kanila itong matatapos. Sa kabila niyan, iginiit ni Duterte na walang magagawa ang Pilipinas para bawiin sa Tsina ang mga teritorial waters at islang okupado ng Asian giant sa West Philippine Sea.

High grades pero tulog ang nag-grado?

“Kaya nga po, wala na tayo noong mga litanya ng mga figures na naririnig natin sa mga nakaraan na SONA. “So sa akin po, 9 out of 10 ang grado ng presidente,” dagdag pa ni Roque, kahit pa nakatulog habang nagtatalumpati ang presidente.

Hindi tuloy naiwasang papagkatuwaan ng netizens ang tagapagsalita, na noo'y himbing na himbing noong nagsasalita ang pangulo.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x