Philippines Report

Tinaguriang ‘snake whisperer’ ng Malaysia, patay nang tuklawin ng ahas

Kasama ni Abu Zarin Hussin,  ‘snake whisperer’ ng Malaysia  ang kanyang mga alagang cobra sa lahat ng pagkakataon.

Sa pagse-selfie, pag-eensayo sa gym, pagko-computer at maging sa panonood ng TV.

Nagagawa niya ring halikan ito sa bibig, dahilan para tanghalin ang 33-anyos na bumbero mula sa Malaysia na “snake whisperer”.

Sa kasamaang-palad, ang kahiligan ni Hussin sa naturang ahas ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nitong Biyernes ay namatay na si Hussin, ilang araw matapos siyang matuklaw ng cobra.

Dinala siya sa ospital noong Lunes nang matuklaw sa Bentong sa state ng Pahang, ayon sa Malaysian news outlet na Star Online.

 

 

Sumikat si Hussin, na inilalabas sa Facebook ang mga pakikipag-ugnayan nito sa cobras, dahil sa ‘fake news’ ng British tabloids na pinakasalan nito ang alagang ahas sa paniniwalang na-reincarnate dito ang namatay niyang girlfriend.

Bilang isang bumbero sa Fire and Rescue Department ng Malaysia, kabilang sa trabaho ni Hussin ang panghuhuli ng mga ahas na nakikita sa mga bahay.

Nag-alaga siya ng mga ahas para maobserbahan ang pag-uugali ng mga ito.

 

Stephen Hawking's Nurse was a Filipino from Zamboanga City

 

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x