Trillanes to Tulfo brothers: Sa radyo ang tatapang, pero ngayon nabibilaukan

Nagkaharap na sina Senator Antonio Trillanes IV at ang magkapatid na Ben at Erwin Tulfo sa kasagsagan ng Senate hearing kaugnay sa kontrobersyal na P60 milyong tourism advertisement deal.

Ayon kay Trillanes, posibleng maharap sa plunder ang magkakapatid ni Tulfo, kasama si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo dahil sa anomalya.

“So wala tayong death penalty so swerte niyo,” banat ni Trillanes.

Ito ay matapos sabihin ni Teo na hindi niya alam na host pala ng programang “Kilos Pronto” sina Ben at Erwin.

“Kung ako sa inyo mag-iba na kayo ng legal defense dahil alam niyo po sa buong Pilipinas na nanonood sa inyo. Hindi kayo (Teo) paniniwalaan na hindi niyo alam na napunta ‘yan sa kapatid niyo,” ani Trillanes.

Tinanong naman ni Trillanes si Ben kung magkano ang aktwal na natanggap nito mula sa ad deal. Ayon kay Ben, patuloy pa rin niyang tinitingnan ang records.

“Off hand, I don’t have a record but we can present it maybe in the court of law,” ani Ben.

“Swak na swak kumbaga pasok na pasok kayo sa bitag, diba Mr. Tulfo?” ani Trillanes.

“Ito na, panay ang iwas na. Pero dun sa radio program kay tatapang e pero ngayon nabibilaukan. ‘Pag katotohanan, ang hirap lumabas, no?” dagdag pa ni Trillanes.

Sa opening statement ni Ben sa hearing, hinamon nito si Trillanes na harapang sabihin sa kanya na nagnakaw siya ng pera.

“He (Trillanes) said, ‘Kaya hindi isinasauli dahil ninakaw na e.’ Ang paghuhusga mo nakasira nang husto sa amin. Look me in the eye now, say to my face,” ani Ben.

 

Modular Tents Ng Marikina Para Sa Mga Evacuees Nag Tamo Ng Papuri


Posted

in

by

Tags:

Comments

One response to “Trillanes to Tulfo brothers: Sa radyo ang tatapang, pero ngayon nabibilaukan”

  1. […] Trillanes to Tulfo brothers: Sa radyo ang tatapang, pero ngayon nabibilaukan […]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *